Mahalagang Paalala mula sa Provincial Health Office

💧Iwasan ang Leptospirosis!

Ang leptospirosis ay sakit na nakukuha sa ihi ng daga na humahalo sa tubig-baha.❗Huwag lumusong sa baha kung walang proteksyon. Kung makaranas ng lagnat, pananakit ng kalamnan, pagsusuka, o paninilaw ng balat—magpatingin agad sa pinakamalapit na health center o ospital.

🦠 Kalusugan ay ingatan, leptospirosis ay iwasan!